unang linggo sa 2009

January 10, 2009

wala na sigurong kasing-challenging pa ang linggong nagdaan sa aspeto ng trabaho. it almost pushed me to my limits – ang tinding pressure, workload, people-issues at kung anu-ano pa.

isa sa mga pinakamalaki naming kliyente ang gustong i-fire ang ahensya dahil di maganda ang business performance nila, at syempre, kailangan ng scapegoat at kami ang isa sa mga napagtuunan ng pansin. aminado naman ang ahensya na di perpekto ang nakaraang taon na trinabaho naming ang brand communications nila, pero there are a lot of other factors na dapat i-consider! bilang dating nasa client side, alam ko to that’s why I won’t ever buy that reasoning na ang di nila pag-hit ng business targets e dahil lamang sa aspeto ng brand comms. pero, ito nga siguro yung realidad ng agency life na “damned if you do, damned if you don’t”. to make matters worse, ang sisi usually e laging sa accounts team, kawawa naman ang mga account directors and account executives ko, sobrang damang-dama nila na ang trabaho nila is a “thankless job”. kaya aside from all these shaping up na dapat i-deliver ng buong ahensya e nag-express ang account director ko na pinaka-reliable at responsible (relatively speaking) na mag-reresign na lang sya. haaaaay… sobrang frustrating, that moment, na-feel ko na rin na, mag-resign na lang din at bumalik na sa client side! but i am well-aware that this is another way for me to learn how to be matured and professional. these difficulties are supposed to make me stronger and better, sabi nga nila.

so, as a coping mechanism, i found the refuge of just venting out to my closest friends and even to my parents. kakatuwa, my mom attended two masses and offered one mass under my name para daw i would feel better. i know that she’ll be able to read this, thank you mommy for that, it did really help dahil after I packed up yesterday sa office, my positivism is back and true enough, i was just overwhelmed with all the challenges. sobrang bait ni god na sinamahan nya ko all throughout, and your prayer definitely contributed for me to bounce back. thanks to my dad also for those inspiring text messages. :)


positive validation

August 5, 2008

my 9th day of novena to saint jude and saint anthony ended yesterday.  i prayed for their intercession so that i’ll be successful in my new career – manifestations would be that my clients, team and bosses will love, value, appreciate and look at my performance positively.

before my night at the office ended yesterday (it actually ended early morning already), we finished the brand communication review deck that will be presented to one of our clients today.  when i got back at the hotel, there was a slight tinge of doubt and worry about how the big meeting will turn out, considering that i was not really that confident in the totality of what will be presented – maybe it’s coming from the fact that i just learned about the client’s business and industry over the last 2 weeks, the fact that my team members do not really speak english articulately while the big boss in the client side is a german guy, the fact that i have less than 3 hours to sleep and finally, the fact that there are other tasks to finish the following day.  but to consciously control my mindset and emotions, i just went to bed, read a few pages of joel osteen’s book, finished my 9th day prayers to saint jude and saint anthony and communicated with jesus to let him know of my plight.

fast forward to today – our team met the clients at 9am and the presentation ended at 3pm.  bottomline, they loved the output and commented “very good, very comprehensive”…  on the way back to our office, i received a comment from my boss: “you did a great job there”…  when i arrived at the office, i extended the “cheers” to my team and received an acknowledgment from them as well…

going back to my introductory statement, i would have to say that saint jude and saint anthony answered my intention already – these are positive validation points that made me realize that i’m exactly at the right place where god wants me to be.  this thought will always be carried in my heart as my days here further progress, it would be my source of motivation and inspiration to continue my mission of becoming the best person that i can ever be.

truly, “unyielding faith” makes a big difference – something that can bring you to greater heights in life that you may not have thought of before…  something that increases your confidence level to chase your goals, dreams and ambitions…  something that triggers and contributes to making you whole – and yes, it is faith…  just faith!  :)


kwentong ahensya 101

August 2, 2008

makaraan ang dalawang linggo, masasabi kong meron nang kahit papaanong worth-blogging kwento tungkol sa aking bagong trabaho at industriyang pinasok…

sa kasalukuyan, konektado ako sa isang advertising agency dito sa jakarta bilang client service director o csd kung tawagin ng iba sa industriyang ito. makaraang dumaan ang ilang oportunidad na makapagtrabaho sa labas ng pilipinas, ito ang aking napili, kahit noong una ay mas gusto ko ang makapasok sa ahensya sa departamento ng strategic planning dahil mas gamay ko ang trabahong yon since walong taon din ako na nasa brand marketing. wag na nating ungkatin kung bakit ito ang aking napili dahil baka sabihin nyong mukha akong pera (hahahaha! uhmmm, mejo totoo! nagiging praktikal lang! hahahaha!).

sa unang linggo ng aking pagpasok, na-meet kong muli ang board of directors na nag-interview sa akin dati (tatlo sila – isang amerikano, isang malaysian at isang lokal). also, nagkaroon ako ng briefing at city tour na inayos ng hr director – na kung tawagin ko ngayon ay “surrogate mom in jakarta”, napaka-motherly at accommodating nya. halos lahat ng kailangan ko para makapagsimula ng buhay dito ay tinulungan nya ko – sana lang, di siya nakukulitan sa akin! sa unang linggo ring iyon ay ipinakilalala na sa akin ang magiging team ko. binubuo sila ng pitong tao (pero kailangang dagdagan dahil kulang pa sila ng dalawa) – account directors, account managers at account executives. ang dalawang account directors ay mga nanay na, nasa edad 34-37, samantalang ang mga account managers at executives ang mga mas bata, 23-30. lahat sila ay lokal na indonesians. ang mga hinahandle naming kliyente ay isang multinational pharma, lokal na manufacturer ng gatas na pambata at pangbuntis, financial institution, kompanyang gumagawa ng iniinom na pang-enerhiya at lokal na yosi brand (clue: ung parang may cinnamon flavor na tila pumuputok-putok pag sinindihan!). nung simula, ramdam ko ang effort nilang lahat na mag-ingles. kaso ganun talaga, anong magagawa ko na hindi pa ko marunong ng bahasa!

laid back pa lang nung unang linggo – getting to know sa isa’t isa at sa mga kliyente. tanungan tungkol sa mga napuntahan ko na sa siyudad, mga pagkaing na-try ko at mga salitang lokal na alam ko. kwentuhan rin ng mga bagay na makikita sa pilipinas, ang buhay ko dati, at kung anu-ano pa. nagamit ko rin ang example ng favorite blogger ko na si batjay kapag tinatanong lagi nila ako ng: “so, you’re from the philippines? you speak very good english!” – sinagot ko minsan yung isa na pa-joke ng: “oh, i was raised in sweden!” bwahahaha! anong akala nila sa mga pinoy – mga ita na di marunong magsalita ng universal language?! :P

makaraan ang isang linggo, lumabas na ang totoo! background – sa panahong ito, planning season ng mga kliyente para sa strategies and plans for next year. at dahil jan, lahat sila ay manghihingi ng brand communication review at matapos nito ay kukulitin na kami kasama ang stratplan na gumawa ng communication plan for 2009. so dahil jan, no choice ako kundi aralin na ang negosyo ng mga kliyente at tingnan ang mga nakaraang brand reviews – sa tulong nito, magiging madali kong maiintindihan ang mga insights na maaring gamitin para sa susunod na taon. kaso, sa kasamaang palad, mejo may kababawan ang portion ng analysis at insights ng kanilang reviews! although alam ko na ito dati pa, pero nakakagulat lang na totoo pala talaga – mababa pa ang competency level ng ilang tao dito, hindi tulad sa maynila na masasabi kong di hamak na magagaling mag-isip, gumawa at magsalita ang mga tao! at nung nagtatanong na ako sa kanila para mas lubos kong maunawaan ang mga pangangailangan ng mga kliyente, tila sobrang babaw ng mga sagot na tipong “nice to know” at hindi “actionable” ang mga sinasabi! dahil jan, talagang kailangan kong dumepende sa sarili ko – aralin on my own at magpuyat gabi-gabi para lang lumalim ang kaalaman ko.

so eto na nga, pinagawa ko sila ang brand communication review sa mga specific brands na hinahawakan nila – nagbigay ako ng outline para madali nilang magawa. in fairness, kinaya nila ang mga portions na: business/communication objectives, communication strategy and tactics, action plans implemented at competitive review. kaso, ang mga portion ng brand learnings and topline recommendations for next year’s platform, lumabas na ang mga nakakatawang output – yun bang tipong, sasabihin mo sa sarili mong, “pucha, seryoso ba to?!” o di kaya naman, “s.h.i.t., sinasabi mong 7 years ka na sa advertising at ganito ang tipo ng output mo?!”. oh well, kaya para dumali ang trabaho – ako na ang gumawa! oo, alam kong mali kasi dapat ang role ko e mag-guide, mag-motivate, mag-inspire at magbigay lang ng inputs, kaso naman – time constraint! tatlong presentations ang gagawin, at di ko yata mate-take na ganung yung quality ng output! so, pinagpuytan ko na ang paggawa! pero sa susunod, hindi ko na gagawin to, dahil hindi talaga tama.

pero sa kabila nito, may mga pambawi naman sila. una, masisispag at kita mong nag-e-effort sila. may isang pagkakataon na umuwi ng ala una ng umaga yung ae dahil nag-gather sya ng data, at nag-apologize pa sya dahil mejo mabagal daw sya – kawawa naman, pero at least alam nya ang kanyang kakulangan. pangalawa, willing silang matutuo – sinabi nilang lahat sa akin na natutuwa sila sa pagdating ko dahil kita nila na handa raw akong tumulong at magturo ng kaalaman ko, di raw tulad ng iba na utos lang ng utos. sinabi rin nung isa na lubos syang matutuwa kung pati daw ingles nya ay i-cocorrect ko. ikatlo, assertive at proactive sila. may iba daw na deadma lang, pero sa kabutihang palad, ang mga nasa team ko ay may diskarte kahit papaano. although mejo makulit sa pagcoconsult para siguraduhing aligned at tama sa pananaw ko ang gagawin nila, ang maganda ay gumagawa sila nga paraan kahit di mo sabihin. siguro dahil upfront e sinabi ko sa kanilang result-oriented ako, wala akong pakialam kung pano mo ginawa, basta binigay mo ang expected output on-time and in-full. finally, supportive din sila. tinatanong nila kung may kailangan pa akong tulong at pinapakita nilang ginagawa nila ang lahat para ma-achieve ang kinakailangan.

kahapon ng gabi, natapos ang first round of presentations. dahil sa efforts ng lahat, kasama na rin ang dasal ko (nagnonovena pa ako kay saint jude at saint anthony para maging successful ang kalidad ng output ko, pati na rin ng buong team), naging matagumpay at natuwa ang mga kliyente sa kanilang nasaksihan! buti na lang! dahil dito, kinausap ko ang team at nagpasalamat sa kanila (o di ba, ang bait ko! hehehe!). pinhiwatig ko na sana ituloy namin ang magandang nasimulan at mas pagbutihan pa, lalu na sa mga bagay na kailanga pang i-improve. makaraan noon, sama-sama kaming kumain at dinala nila ako sa kung tawagin dito ay “warung”, para daw matikman ko ang tunay na jakarta, hindi yung buhay expat na artipisyal! ang “warung” ay parang karinderya o turo-turo sa atin. masarap naman at sanay naman ang sikmura ko sa mga pagkaing tipong ganun, so ok lang. nilibre ko na rin sila – at least, hindi ako namulubi dahil sa turo-turo ko lang sila nilibre, mabuti na rin! wahahaha! so pagdating ko sa hotel, napahiga na lang ako at nakatulog – siguro dahil sa pagod sa nakaraang linggo!

alam kong simula pa lang ito at mas marami pang darating na pagsubok, pero ang mahalaga ay tama ang mindset at approach ko. masaya naman kahit papaano. iniisip ko na lang din ang consolation na pagiging pampered at spoiled ko dito sa kabila ng matinding pagtatrabaho – sariling opisinang malaki at may pinto (dahil dati sa pinas, nasanay lang ako sa mga cubicles), may inumin sa table ko pagdating sa umaga araw-araw, may drayber, may magandang tirahan, in short – thought balloon na expat life rocks! pasalamat din ako sa diyos dahil alam ko na dinidinig nya lagi ang dasal ko na maging ok ang lahat – at so far, ok ang lahat!


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.