ito na ang ikalawang weekend ko dito sa jakarta. nagsimula ang aking sabado sa nakagawian nang buffet breakfast ng grand flora hotel. chicken sausage, fried chicken/spicy beef in soy sauce (di ko alam ang tawag talaga), nasi goreng, sunny-side-up, vanilla donut, chocolate bun at dalawang tasa ng kape – ito ang usual umagahan ko kung weekend, dahil kung may opisina, kape lang ang iniinom ko sa umaga. sabay ng pagkain ko ay ang halos memoryado ko nang musikang pinapatugtog nila – kenny g tracks na minsan ay may maliligaw na “let it snow” (nakakatawa, hindi ko alam kung sinasadya nilang patugtugin ito, o hindi lang nila alam na pamasko ang awiting ito!). mejo nagtagal ako sa breakfast hall dahil nagbasa pa ako ng dyaro at nagyosi habang pinapanood ang mainit na sikat ng araw sa gilid ng hotel. pinapanood ko rin ang halo-halong tao na kumakain – may lokal, may puti (na kalimitan ay may kasamang mukhang lokal na pokpok), may itim, may hapon, may mukang mabait, may mukhang mabaho, may mukhang hindi alam ang kinakain at kung anu-ano pa. matapos nito ay ang aking usual morning ritual sa banyo at tuluyan na rin akong nagbihis.
1130am, sinundo na ako ni pak haryanto – ang mabait at friendly driver, na kadalasan ay ginagawa kong human dictionary, he’s my usual translator from english to bahasa. paglabas namin ng hotel, nagulat ako sa sikip ng trapik, considering sabado! yun pala, may sine-celebrate na festival sa lugar ng kemang. kumbaga, para syang piyesta kung saan may mga tiyangge na dinudumog ng mga tao. makalampas dito, nagpahatid ako sa kanya sa “the peak” apartment kung saan imi-meet ko ang aking third degree cousin na dito rin pala nagwo-work at sa advertising agency din! tinawagan nya ako last week nung nag-send ako ng message sa kanya sa friendster. nakita ko kasi na ang lokasyon nya sa profile ay jakarta, at nabanggit din ng daddy ko na nadito nga daw sya. binigay ko ang address sa driver at sinabi nyang alam nya ang lugar. matapos ang makailang ikot sa nasabing lugar, at konting pagtatanong sa mga tao sa paligid, nakita rin namin ang apartment. pagkababa ko, nagpaiwan na ako at sinabing bukas na lang ako sunduin since sabi ng pinsan ko na ihahatid na lang daw nya ako pabalik sa hotel ko.
ang ganda ng apartment nya! sa labas pa lang, kita mo na ang pagka-elegante nito dahil sa disenyo ng istruktura. maganda rin ang security level dahil may private lift ang units per floor. finally, narating ko ang unit nya at matapos ang maraming taon ng hindi pagkikita, nakita ko syang muli! pinakita lang nya sa akin ang kanyang lugar – maganda rin ang interiors, lalo na ang maka-agaw pansin na plasma tv at high ceiling style ng living room. matapos nito, bumaba na kami para kumain ng lunch. dinala nya ako sa kung tawagin ay “ranch market” sa mega kuningan. katabi nito ang oakwood at malapit sa ritz carlton. kumain kami sa restawran na lowey ang pangalan. needless to say, masarap ang pagkain dito (i had hainanese chicken, coffee ice cream and diet coke) at maganda ang ambiance (upscale kasi ang lugar) – kung sa pinas, parang greenbelt 5 ito, kung sa amerika, parang yung mga al fresco sa beverly hills. mahaba ang naging kwentuhan namin at ang pinakhighlight nito ay ang mga tips na kanyang ibinigay sa akin, since 16 months na syang naninirahan dito. ilan sa mga tumatak sa akin na lagi kong aalalahanin ay ang mga sumusunod:
- enjoy every bit of it – oo, nandito ka para magtrabaho, but at the end of the day, your life is bigger than your new work. its perfectly understandable that at the start, ito ang magiging priority mo, pero dapat mo ring matutunang makita ang saya at ganda na ibinibigay sayo ng karanasang ito.
- don’t get attached – hindi lahat ng expectations mo, lalu na sa trabaho ay mangyayari kahit gaano ka pa kagaling. dahil nga sa lebel ng kaalaman ng mga tao dito, mas madali kang mafu-frustrate pag hindi nila nai-dedeliver ang na-envision mo. para maiwasan ang pakiramdam na ito, kailangang matutunan ang maging detached sa mga sitwasyon – if you know that you did more than what you can and it’s still a huge screw up, wala ka ng magagawa at hindi mo dapat dibdibin at sisihin ang iyong sarili dito.
- be in the inner circle of higherups – maganda nga na ka-close mo rin ang mga katrabaho mong mejo nasa ibaba, pero mahalagang suportado ka at valued ng mga nasa itaas. sa katapusan ng lahat, sila ang nagdedesisyon at nag-e-evaluate ng performance mo. bukod dito, tanggapin na natin na sa lahat ng kompanya ay may politika – mabuti nang alam mong maayos at maganda ang pagtingin sayo ng mga bosses.
- kung matindi na ang chismis sa pinas, mas matindi dito – self explanatory. magandang mag-ingat na lang daw dahil usually, tampulan ng chismis at laging pinapansin ng mga lokal ang mga dayuhan, lalo pa kung mejo mataas ang posisyon nito sa kompanya. kaya nga siguro, maganda na ring hindi mo lubos nauunawaan ang mga sinasabi nila para hindi ka apektado kung may mga marinig ka mang laban sa iyo.
- mag-ingat sa crab mentality ng pinoys – sa mga susunod na araw, marami kang maaring makasalamuhang pinoy. while ok yun kahit paano dahil may matatawag kang semblance of home sa dayuhang bansa, kailangan lang mag-ingat doon sa mga alam mo na, inggitero at inggitera na maaring hilahin ka pababa.
- happy mindset – maari ngang kalimitan ay mag-isa ka lang, pero ang mahalaga ay ang happy mindset dahil ito ang magsasaayos ng mentalidad at mood mo.
natapos ang aming lunch na sinasabing muli kaming magkikita, baka sa susunod ay para mag-clubbing, since magaganda rin daw ang clubs dito. then, nagpahatid na lang ako sa kanya sa isang mall na kung tawagin ay grand indonesia, katabi sya ng seibu at tulad ng senayan city, plaza senayan at plaza indonesia, isa rin itong maganda at high-end na mall. dito, nag-ikot ako at nanood ng sine mag-isa sa unang pagkakataon dito. “smart people” ang aking pinanood dahil mejo naintriga ako sa tagline ng pelikula – feeling ko nanaman e makaka-relate ako. hehehe! kaso, mejo matindi ang boring factor ng nasabing movie! pang-dvd lang ito, actually pede mo ngang palampasin na lang ito. anyway, at least nakanood ako ng movie mag-isa. natapos ang aking gabi sa pagkain ng dinner sa segafredo – lasagna at lime juice lang. matapos nito ay umuwi na ako sa hotel via blue bird taxi, at ulit, na-experience ko ang matinding trapik mula sudirman hanggang kemang. umuulan kasi rin kaya mabagal ang galaw ng mga sasakyan.
kaninang umaga, gusmising ako ng maaga para sumimba. sinundo akong muli ng driver ng bandang 10, para siguradong hindi ako male-late sa misang 11am sa teresia. doon, nag-meet kami ng dalawang pinay na nakasama ko noong isang linggo. mataimtim ulit akong nagdasal at nagpasalamat sa maganda at pinagpalang linggong nagdaan. matapos ang misa, pinakilala nila ako sa grupo ng iba pang pinoy sa labas ng simbahan. mukang mababait naman sila lahat. hopefully next time, makasama ako sa kanilang lumabas.
matapos ang misa, dahil na-intriga ako sa sinasabi nilang mall ambassador, sinabi ko sa driver na dalhin ako sa nasabing mall. nang makababa ako dito, ang una kong napansin ay ang chowking!!! kaya dali-dali akong pumasok dito para kumain ng tanghalian dito – i just had chicken asado, chicken siomai (oo, wala silang pork or beef), rice (1 plus 1 extra – hahaha!) at coke (wala silang diet coke sa chowking?!). halos pareho din ang lasa, kaso lang mejo matabang sa alat kumpara sa nakagisnan ko sa maynila. matapos kumain, inikot ko na ang mall. una, nagpapalit ako ng pera, dolyar sa rupiah. isa pang trivia dito, tinitingnan nila ang serial number ng dolyar! pag bago ata, yung published rate ang gagamitin sa pagpalit (halimbawa ngayon, usd 1 = rph 9,000), pero pag mejo mas luma (tulad ng dala kong dollar bill), mas mababa ng konti (rph 8,950). so pagkapalit ko, feeling milyonaryo nanaman ako dahil ang naging laman ng wallet ko ay rph 1, 220,000, pero sa pinas, mahigit php 6,000 lang ang value nito! so matapos noon, nag-ikot na ako. kumpara sa mga naunang malls na napuntahan ko, pansin ko kaagad na pang-masa ito. pero, cool finds ang makikita mo! cheap gadgets ang unang atraksyon sa akin! ang nakita kong pinakamurang 7 megapixel digicam ay walong libong piso lang at ang nikon d40 slr camera ay halos php 19k! ang mga laptop ay ganun din – nakakita ako ng vaio at lenovo na maliit, around php 20k lang at ang mac air ay less than php 70k! well, hindi ako updated sa mga presyo sa pinas, pero sabi nila ay higit na mababa ito – kumpara din sa singapore kung saan mura din ang mga gadgets! mura din ang mga pabango – meron din sila ditong katulad nung tindahan sa lucky plaza sa singapore na testers at discounted sa regular perfumes! at finally, nakuha ko na na para itong makati cinema square dahil nagkalat ang pirated dvds! bumili ako ng ilan, kung ikukumpara sa mcs sa pinas, mas mura dito ng php 20 dahil kung sa atin ay php 50, dito ay php 30 lang!
pagkatapos nito, bumalik na ulit ako dito sa hotel. pahinga, blog, tv (default na ang star world or hbo sa tv set ko), basa ng libro ni joel osteen at yosi muna. maya-maya, maghahanda na akong muli para sa isang linggong trabaho.
yan ang naging second weekend ko dito. dahan-dahan, nakikita ko na ang pagbuka ng magiging buhay ko sa susunod na mahigit labing-isang buwan. at sabi nga ng pinsan ko, enjoy every moment of it and happy mindset lang palagi – kaya ngayon, that’s what i’m upholding.