wala na yatang gaganda pa sa pagbating, “huy, pumayat ka!”… wahahaha!
matapos ang mahigit dalawang buwan na di ko nakita ang pamilya at kaibigan sa pinas, ito na siguro ang pinakamagandang pagbati na narinig ko nung dumating ako ulit sa maynila. well, ang sagot ko lang jan e, “mantakin mo ba namang, talong beses lang ako nakatikim ng baboy sa nakaraang dalawang buwan, isama mo pa ang stress at pressure sa trabaho at adjustment na rin na mamuhay mag-isa sa banyagang lugar – sino ba naman ang di papayat?!”.
ganun pala ang pakiramdam maging balikbayan – sobrang masaya at exciting. parang gusto mong wag na gumalaw ang oras para di matapos ang bakasyon mo. walang tigil na kwentuhan at tawanan – akala ko dati, exaggerated yung nga eksena sa pelikula, pero hindi pala – iba talaga yung pakiramdam na makasama mo ulit yung mga mahal mo na sobrang na-miss mo! usual stuff ang ginawa ko kasama sila, pero naging masaya ako:
day 1 (umaga): pagkasundo sa akin ni dad and mom sa naia 3, dumeretso kami sa jollibee! wahahaha! default order – 2pc. chickenjoy meal, extra rice, soup at large coke light! tapos nun, nag-check in na kami
sa intercon, nagpahinga muna ng konti then lumabas na ulit para mag-mall. nagpunta kami sa landmark para bumili ng barong na gagamitin ko sa wedding ng pinsan ko kinabukasan, tapos nun, nag-lunch na kami – gerry’s naman this time! sinigang, pata at bangus! sarap! ikot ulit sa mall, then nagpagupit ako. nagulat ang favorite stylist ko na si aureo dahil nagpaalam ako sa kanya two months ago – told him na bakasyon lang ako, nakwento ko rin na nakapagpagupit na ko sa jakarta, kaso lang, iba pa rin ang nakasanayan ko ng gupit nya sa propaganda, so malamang ang next kong gupit e sa pasko na ulit pagbalik ko sa pinas! balik hotel na ulit at andun na ang kapatid ko. konting kwentuhan then nagbihis na ko.
day 1 (gabi): dinner with usual (but really longed-for) friends at gb5. first time ko sa myron’s place – ok naman, overpriced nga lang. importante, masaya ang kwentuhan at tawanan naming lahat. kahit pano, ang dating 9 e naging 5 ulit – kaso lang, bago matapos ang taon, may isa na ulit aalis papunta naman australia. so, 3 na lang sila matitira sa pinas. haaaay, kakalungkot, pero ganun ata talaga, kanya kanyang alisan, ang importante, magkakaibigan pa rin – who would have thought that after more than a decade e kami pa rin ang magkakasama?

mabilis na kwento: bena-papunta ng australia sa nov, aids-bagong trabaho bilan abm ng tv5, cris-patiently waiting kung anong kasunod, nons-new work at shell
day 2: wedding day. yung details and pictures nito is in the previous post. after ng event, umuwi na kami ng laguna.
day 3: home sweet home! na-miss ko ang bahay namin – ang kama, ang kusina, ang dining room, ang magic sing, at kung anu-ano pa. syempre, di pedeng hindi magluluto ang mommy ko ng food na gusto ko – so we had adobong manok sa gata, galunggong, bangus, chopseuy, etc.
day 4: balik manila para i-meet ulit ang mga pinsan at ibang kaibigan for the last time since malapit na ko umalis. nag-late lunch kami nila pau and joan sa sentro at nag-cofi sa figaro. sayang, di nakasama si tony at vic for valid reasons. sa pasko na lang siguro kami magkikita ulit. after nun, mga pinsan ko naman ang mineet ko. nag-dinner lang kami at nag-two rounds sa eastwood. needless to say, pinoy food pa rin (since kasama sina kuyas aloy and jun na galing amerika) – dencio’s this time. after nun, konting inom lang – kurant 7 and bailey’s for me.
day 5: huling araw kasama ang mga kaibigan. eto ang naging mandatory glorietta day kung saan nag-dinner kami sa tgif, nag-kape sa starbucks at nanood ng movie na tagalog (request ko kasi – hehe!). sinamantala ko na rin ang pagpunta sa sm para bumili ng mga pasalubong sa mga officemates ko – walang kamatayang dried mangoes, otap, rosquillios, sampaloc, t-shirts at bags na may “pilipinas”, pearls, at kung anu-ano pa. after nun, nag-overnight kami sa condo ni adrian – konting inom lang ng gran matador with coke (skwaks! hahaha!) at isang masarap na umagahan courtesy of the gracious host!
day 6: balik laguna. natulog lang ako maghapon. nakakapagod din na magpuyat para magsaya. lalo tuloy akong inubo. bumili rin pala ko ng 100 tablets/capsules ng stresstabs at solmux – eto ang mga kakampi ko sa pagkakasakit at depresyon! hahahaha! bukod sa pagkain, nag-marathon lang din ako ng abs-cbn shows – simula wowowee hanggang bandila!
day 7: after lunch with my folks, luwas na kami manila… hinatid na nila ulit ako sa naia 3. haaaay…
yan ang naging isang linggo ko sa pinas noong nakaraang linggo. ngayon, andito na ulit ako sa jakarta. magtatrabaho ulit sa susunod na more than 2 months at pagkatapos noon, uuwi ulit ng pinas para doon mag-pasko at bagong taon.
just wondering, sa december kaya, maririnig ko pa kaya ulit ang komentong “huy, pumayat ka!”?






Posted by lifedefiningpicks 



