isang buwang walang baboy

August 23, 2008

32 days na ako ngayon dito sa jakarta at simula pagdating ko hanggang ngayon e di pa ulit ako nakakakain ng ulam na baboy. hindi pa naman ako ganun natatakam sa pork, pero ang lutong pinoy ang mejo hinahanap ko na. kaya, kahit di ako ganun kasipag sa bahay considering sobrang busy sa trabaho, i decided to cook adobo!

intially, naisip ko na magluto ng pork adobo, kaso pagpunta ko sa carrefour, wala akong nakitang baboy. kesa naman lumayo pa ako para pumunta sa ranch market, di bale na, bumili na lang ako ng manok – halos tumilaok na ko dito sa kaka-manok dahil 5x a week ata ang pagkain ko ng ayam (yan ang bahasa para sa chicken – i’m starting to learn now… hehehe!). in addition, bumili ako ng usual ingredients – toyo, suka, bawang, asin, paminta, mantika. kaso lang, may catch nanaman, wala akong makitang cane vinegar, apple cider at red wine vinegar lang ang meron. tapos, wala rin yung tipikal na toyo na yung tipong datu puti or silver swan! so i ended up buying red wine vinegar and kikoman soy sauce na manamis-namis ang lasa.

the seasoning ingredients...

the seasoning ingredients...

pero dahil isang buwan na kong di kumakain ng adobo, kahit di pareho ng lasang pinas yung naluto ko, ok na rin. good enough para masabi kong kahit papaano, may lutong bahay na pilipino ulit akong natikman.

apat na pirasong manok at with adobo seasoning ingredients

apat na pirasong manok at with adobo seasoning ingredients

the final product...

the final product...

malamang next weekend, sinigang naman! :)


bagong bahay, bagong buhay

August 22, 2008

after almost a month of hotel life, sa wakas, nakahanap na ako ng magiging bahay ko dito.  exciting actually yung paghahanap dahil ang dami mong pede pagpipilian simula sa simple hanggang sa pinakamagarbo.  buti na lang, magaling yung agent ko, simple lang naman ang brief ko sa kanya – nasa apartment complex (condo kumbaga sa pinas), malapit sa opisina, hindi binabaha pag umuulan, malapit sa malls or other recreational areas at may swimming pool, gym (as if naman nagy-gym ako…  hehehe!), tennis court at kung anu-ano pang pedeng amenities.

may dalawa akong nagustuhan, pero naging prakitkal ako sa pagpili.  i preferred the option na may 3 bedrooms (para pagpumunta dito ang family and/or friends ko e di na sila magho-hotel), bigger space at nice furnishing.  kahit wala ito sa sudirman (ito yung parang tipong ayala ng makati), ang importante, hindi daw bumabaha dito at 20-30 minutes away lang sa opisina pag umaga (with jakarta traffic na yan).  matapos maayos ang pirmahan ng kontrata at bayaran ng opisina at ng agent, nakalipat na ko nung nakaraang sabado!  at heto ang aking lugar tulugan sa susunod na labing-isang buwan o siguro higit pa ng buhay ko dito sa jakarta…  casablanca mansion nga pala ang pangalan ng apartment building na to…

ang tulugan, apat na unan, at makapal na komportableng kumot (comforter in short, di ko alam sa tagalog e!)

ang tulugan, apat na unan, at makapal na komportableng kumot (comforter in short, di ko alam sa tagalog e!)

closer look at silip ng lampshade at mirror

closer look at silip ng lampshade at mirror

ang bintana at kurtina ng tulugan kasama ang patugtugan

ang bintana at kurtina ng tulugan kasama ang patugtugan

ang sala, tv at kurtina ng balkonahe

ang sala, tv at kurtina ng balkonahe

ang sofa, carpet, side table, plorera at painting

ang sofa, carpet, side table, plorera at painting

nagpapaka-photographer lang (oo, sunog ung picture vj, alam ko!  hahaha!)

nagpapaka-photographer lang (oo, sunog ung picture vj, alam ko! hahaha!)

ang foyer...  isa sa mga paborito kong lugar ng bahay

ang foyer... isa sa mga paborito kong lugar ng bahay

ang mga regalo mula sa mga kaibigan sa pinas - picture collage at coffe table book

ang mga regalo mula sa mga kaibigan sa pinas - picture collage at coffe table book

ang kitchen at kainan

ang kitchen at kainan

ang bilog na table

ang bilog na table

)

ang ikalawang kwarto... sinong gusto bumisita?! :)

ang ikatlong kwarto...  sinong gusto pa bumisita?  kaso tiisin lang ang floral bedsheet at single bed!  wahahahaha!

ang ikatlong kwarto... sinong gusto pa bumisita? kaso tiisin lang ang floral bedsheet at single bed! wahahahaha!

ang view sa balkonahe...  swimming pool at playground ng mga bata...

ang view sa balkonahe... swimming pool at playground ng mga bata...

naisip ko lang, matapos ko humiwalay sa bahay ng dad at mom ko kahit noong sa manila pa, ikapitong lipat ko na ito.  well, bagong bahay, bagong buhay.  exciting para sa akin!


kwentong ahensya 102

August 16, 2008

biyernes, 11:17pm na ngayon… andito pa rin ako sa opisina! buong linggo, pinakamaaga kong uwi ay 11:30pm sa dami ng trabaho. may dalawa kasing kliyenteng may malalaking projects – isang major event (ala starstruck) na kailangang i-supervise at bantayan ang event organizer dahil may supervision fee na binayad ang kliyente sa ahensya, at isa namang pre-production work para sa major campaign dahil malapit na mag-ramadan. oo, big deal ang okasyon na yan dito, parang pasko sa pinas na tipong doble o triple ang nagiging benta ng mga kompanya kaya kailangang i-take advantage ang sitwasyon.

late na akong nakakauwi dahil puro meeting… meeting ng meeting… na ang nakakainis pa e feeling ko minsan tanga ako dahil wala akong naiintindihan (kaya lagi kong kinukulit yung account director na katabi ko na mag-translate to english) since bahasa kadalasan ang usapan. minsan nga, napapa-day dream na lang ako at ang thought balloon ko e, sana may subtitle ang mga taong nagsasalita, yung tipong pagnanonood ka ng dvd na pede mo basahin ang translation sa ibang lenggwahe. currently, yan ang difficulty ko dito ngayon, at difficulty rin ng mga account directors and managers sa team ko dahil wala akong ginawa kundi magpa-translate sa kanila! bwahahahaha! no choice, kasi naman kung di ko alam ang sitwasyon, pano ako makakapagbigay ng direksyon at inputs? alangan namang tumunganga lang ako di ba?!

isa pa, nawitness ko this week yung sinasabi nilang chismis culture at pulitika sa ahensya ngayong linggong to. grabe, totoo nga pala. ultimo kaliit-liit na bagay at kadalasan personal e napapalaki at pinaguusapan! di ako magtataka kung may sinasabi sila tungkol sa akin o lalu na sa ibang mga expat dahil yung mga banyaga ang kalimitang pinag-uusapan ng mga lokal. oh well, buti na lang di ko pa masyado naiintindihan ang mga usapang straight bahasa, kung makaka-apekto lang sa akin, buti nang wag malaman! ang importante, ginagawa ko ang trabaho ko and i’m reaching out. yung ang importante sa lahat, plus of course to enjoy it! :)


there’s always a time for “first time”

August 7, 2008

nung nasa pinas pa ko at tumatambay kami sa tgif, napapansin namin kalimitan ung mga tao sa bar.  most of the time, ang mga andun e yung mga puti na nag-iisa (tapos maya-maya, may kausap nang pinay na mahaba ang buhok, boot cut ang jeans at naka-elevator shoes).  nakaupo lang sila, nanonood ng tv habang umiinom.  a few days before i left manila, nag-dinner kami sa tgif at this time bigla ko naisip kung mae-experience ko rin kaya yung katulad nung mga tao sa bar pag nasa indonesia na ko – yung tipong mag-isa ka lang sa bar habang nakatambay at umiinom.  i’ve never experienced this scenario coz i always think that hanging out in a bar or clubbing is a social event – until i actually experienced it tonight…

nakabalik ako sa hotel from the office around 8pm.  after eating my take-away (yan ang tawag nila dito sa “take out”) kfc dinner, wala na kong magawa.  humiga lang at nanood ng first episode ng “the moment of truth” sa star world.  since talagang ayaw ko pa matulog, naisip kong bumaba dun sa bar at the back of the hotel para lang mag one round, pampatulog kumbaga.  so i went down and made it inside the bar called “the rock” (parang imitation ng “hard rock” ang pangalan!).  since i was alone, i decided na mag-stay sa bar.  the entrance fee rph 100,000 (or php 500) includes one beer – kakatawa lang coz ang default beer nila ay san miguel, so parang uminom din ako ng beer sa pinas!  while waiting for my drink, nag-start na mag-set up yung bandang tutugtog.  one of the nice waitresses approached me para sabihing “it’s beatles night tonight!”.  not bad, i told myself coz i like this classic english band’s music – growing up with parents na die-hard beatles fan, i learned to appreciate the music na rin.  going back to the waitress, sobrang gracious host ang dating nya, dahil siguro alam nyang mag-isa ko, nakipagkwentuhan na sa akin sa bar – i don’t wanna sound bad, pero parang g.r.o. ang role nya (touchy pa habang nakikipagkwentuhan!  hahaha!).  nung hinulaan na nya kung saang bansa ako galing, i told myself, geeez – it really never fails, most of them think that im either singaporean or thai, e pinoy na pinoy naman itsura ko.  oh well, it may be a function of my being 1/4 chinese.  after our small talk, bumalik na sya sa trabaho nya.  so i just sat there with my san mig and listened to the band playing (by the way, “mooners” ang pangalan nila – i wonder if there’s a profound meaning to that name).

offhand, not bad naman ang banda the way they imitated beatles.  majority of the songs they performed were taken from the first two albums (if i’m not mistaken) – as far as i remember, they sang these songs: “all my lovin”, “twist and shout”, “with love, from me to you”, “i saw her standing there”, “yesterday” and “till there was you”.   nakakatawa nanaman, nung kinanta nila yung “till there was you”, sablay ang pronunciation ng word “meadows”, the vocalist pronounced it as “mi-dows”!  wahahahaha!  bigla ko rin na-realize na ang iikli pala ng mga naunang songs ng beatles.  wala lang.

going back to my alone moment, i realized that it wasn’t really that bad after all.  maaaliw ka rin kahit papaano.  nang maubos ko yung beer, i decided to order one of my standard drinks – absolute vodka with sprite (pero pucha, nagulat ako sa kamahalan – rph 140,000 or php 705!).  so while on to my second drink, nakinig at nanood lang ako ng performance while in between e nakikipagkwentuhan ang native waitress – actually, not bad ang pagi-ingles nya, plus, cute din naman sya so ok na.  aside from me, may dalawa pang lalaki na nasa bar din (1 caucasian and 1 asian), at like me, nag-iisa din sila at may ka-small talk rin na waitress.

after finishing my drink and finishing the band’s set, i decided to go back na to my room.  i bid putri (that’s the name of the gracious waitress) goodbye and walked out of the bar while singing in my head the last song that the band performed – “hard days night”, and realized that what i just did is a classified “first time” experience – which really turned out to be an enjoyable thing to also do (but i suppose, not all the time).  :)


positive validation

August 5, 2008

my 9th day of novena to saint jude and saint anthony ended yesterday.  i prayed for their intercession so that i’ll be successful in my new career – manifestations would be that my clients, team and bosses will love, value, appreciate and look at my performance positively.

before my night at the office ended yesterday (it actually ended early morning already), we finished the brand communication review deck that will be presented to one of our clients today.  when i got back at the hotel, there was a slight tinge of doubt and worry about how the big meeting will turn out, considering that i was not really that confident in the totality of what will be presented – maybe it’s coming from the fact that i just learned about the client’s business and industry over the last 2 weeks, the fact that my team members do not really speak english articulately while the big boss in the client side is a german guy, the fact that i have less than 3 hours to sleep and finally, the fact that there are other tasks to finish the following day.  but to consciously control my mindset and emotions, i just went to bed, read a few pages of joel osteen’s book, finished my 9th day prayers to saint jude and saint anthony and communicated with jesus to let him know of my plight.

fast forward to today – our team met the clients at 9am and the presentation ended at 3pm.  bottomline, they loved the output and commented “very good, very comprehensive”…  on the way back to our office, i received a comment from my boss: “you did a great job there”…  when i arrived at the office, i extended the “cheers” to my team and received an acknowledgment from them as well…

going back to my introductory statement, i would have to say that saint jude and saint anthony answered my intention already – these are positive validation points that made me realize that i’m exactly at the right place where god wants me to be.  this thought will always be carried in my heart as my days here further progress, it would be my source of motivation and inspiration to continue my mission of becoming the best person that i can ever be.

truly, “unyielding faith” makes a big difference – something that can bring you to greater heights in life that you may not have thought of before…  something that increases your confidence level to chase your goals, dreams and ambitions…  something that triggers and contributes to making you whole – and yes, it is faith…  just faith!  :)


ang ikalawang sabado at linggo

August 3, 2008

ito na ang ikalawang weekend ko dito sa jakarta. nagsimula ang aking sabado sa nakagawian nang buffet breakfast ng grand flora hotel. chicken sausage, fried chicken/spicy beef in soy sauce (di ko alam ang tawag talaga), nasi goreng, sunny-side-up, vanilla donut, chocolate bun at dalawang tasa ng kape – ito ang usual umagahan ko kung weekend, dahil kung may opisina, kape lang ang iniinom ko sa umaga. sabay ng pagkain ko ay ang halos memoryado ko nang musikang pinapatugtog nila – kenny g tracks na minsan ay may maliligaw na “let it snow” (nakakatawa, hindi ko alam kung sinasadya nilang patugtugin ito, o hindi lang nila alam na pamasko ang awiting ito!). mejo nagtagal ako sa breakfast hall dahil nagbasa pa ako ng dyaro at nagyosi habang pinapanood ang mainit na sikat ng araw sa gilid ng hotel. pinapanood ko rin ang halo-halong tao na kumakain – may lokal, may puti (na kalimitan ay may kasamang mukhang lokal na pokpok), may itim, may hapon, may mukang mabait, may mukhang mabaho, may mukhang hindi alam ang kinakain at kung anu-ano pa. matapos nito ay ang aking usual morning ritual sa banyo at tuluyan na rin akong nagbihis.

1130am, sinundo na ako ni pak haryanto – ang mabait at friendly driver, na kadalasan ay ginagawa kong human dictionary, he’s my usual translator from english to bahasa. paglabas namin ng hotel, nagulat ako sa sikip ng trapik, considering sabado! yun pala, may sine-celebrate na festival sa lugar ng kemang. kumbaga, para syang piyesta kung saan may mga tiyangge na dinudumog ng mga tao. makalampas dito, nagpahatid ako sa kanya sa “the peak” apartment kung saan imi-meet ko ang aking third degree cousin na dito rin pala nagwo-work at sa advertising agency din! tinawagan nya ako last week nung nag-send ako ng message sa kanya sa friendster. nakita ko kasi na ang lokasyon nya sa profile ay jakarta, at nabanggit din ng daddy ko na nadito nga daw sya. binigay ko ang address sa driver at sinabi nyang alam nya ang lugar. matapos ang makailang ikot sa nasabing lugar, at konting pagtatanong sa mga tao sa paligid, nakita rin namin ang apartment. pagkababa ko, nagpaiwan na ako at sinabing bukas na lang ako sunduin since sabi ng pinsan ko na ihahatid na lang daw nya ako pabalik sa hotel ko.

ang ganda ng apartment nya! sa labas pa lang, kita mo na ang pagka-elegante nito dahil sa disenyo ng istruktura. maganda rin ang security level dahil may private lift ang units per floor. finally, narating ko ang unit nya at matapos ang maraming taon ng hindi pagkikita, nakita ko syang muli! pinakita lang nya sa akin ang kanyang lugar – maganda rin ang interiors, lalo na ang maka-agaw pansin na plasma tv at high ceiling style ng living room. matapos nito, bumaba na kami para kumain ng lunch. dinala nya ako sa kung tawagin ay “ranch market” sa mega kuningan. katabi nito ang oakwood at malapit sa ritz carlton. kumain kami sa restawran na lowey ang pangalan. needless to say, masarap ang pagkain dito (i had hainanese chicken, coffee ice cream and diet coke) at maganda ang ambiance (upscale kasi ang lugar) – kung sa pinas, parang greenbelt 5 ito, kung sa amerika, parang yung mga al fresco sa beverly hills. mahaba ang naging kwentuhan namin at ang pinakhighlight nito ay ang mga tips na kanyang ibinigay sa akin, since 16 months na syang naninirahan dito. ilan sa mga tumatak sa akin na lagi kong aalalahanin ay ang mga sumusunod:

  • enjoy every bit of it – oo, nandito ka para magtrabaho, but at the end of the day, your life is bigger than your new work. its perfectly understandable that at the start, ito ang magiging priority mo, pero dapat mo ring matutunang makita ang saya at ganda na ibinibigay sayo ng karanasang ito.
  • don’t get attached – hindi lahat ng expectations mo, lalu na sa trabaho ay mangyayari kahit gaano ka pa kagaling. dahil nga sa lebel ng kaalaman ng mga tao dito, mas madali kang mafu-frustrate pag hindi nila nai-dedeliver ang na-envision mo. para maiwasan ang pakiramdam na ito, kailangang matutunan ang maging detached sa mga sitwasyon – if you know that you did more than what you can and it’s still a huge screw up, wala ka ng magagawa at hindi mo dapat dibdibin at sisihin ang iyong sarili dito.
  • be in the inner circle of higherups – maganda nga na ka-close mo rin ang mga katrabaho mong mejo nasa ibaba, pero mahalagang suportado ka at valued ng mga nasa itaas. sa katapusan ng lahat, sila ang nagdedesisyon at nag-e-evaluate ng performance mo. bukod dito, tanggapin na natin na sa lahat ng kompanya ay may politika – mabuti nang alam mong maayos at maganda ang pagtingin sayo ng mga bosses.
  • kung matindi na ang chismis sa pinas, mas matindi dito – self explanatory. magandang mag-ingat na lang daw dahil usually, tampulan ng chismis at laging pinapansin ng mga lokal ang mga dayuhan, lalo pa kung mejo mataas ang posisyon nito sa kompanya. kaya nga siguro, maganda na ring hindi mo lubos nauunawaan ang mga sinasabi nila para hindi ka apektado kung may mga marinig ka mang laban sa iyo.
  • mag-ingat sa crab mentality ng pinoys – sa mga susunod na araw, marami kang maaring makasalamuhang pinoy. while ok yun kahit paano dahil may matatawag kang semblance of home sa dayuhang bansa, kailangan lang mag-ingat doon sa mga alam mo na, inggitero at inggitera na maaring hilahin ka pababa.
  • happy mindset – maari ngang kalimitan ay mag-isa ka lang, pero ang mahalaga ay ang happy mindset dahil ito ang magsasaayos ng mentalidad at mood mo.

natapos ang aming lunch na sinasabing muli kaming magkikita, baka sa susunod ay para mag-clubbing, since magaganda rin daw ang clubs dito. then, nagpahatid na lang ako sa kanya sa isang mall na kung tawagin ay grand indonesia, katabi sya ng seibu at tulad ng senayan city, plaza senayan at plaza indonesia, isa rin itong maganda at high-end na mall. dito, nag-ikot ako at nanood ng sine mag-isa sa unang pagkakataon dito. “smart people” ang aking pinanood dahil mejo naintriga ako sa tagline ng pelikula – feeling ko nanaman e makaka-relate ako. hehehe! kaso, mejo matindi ang boring factor ng nasabing movie! pang-dvd lang ito, actually pede mo ngang palampasin na lang ito. anyway, at least nakanood ako ng movie mag-isa. natapos ang aking gabi sa pagkain ng dinner sa segafredo – lasagna at lime juice lang. matapos nito ay umuwi na ako sa hotel via blue bird taxi, at ulit, na-experience ko ang matinding trapik mula sudirman hanggang kemang. umuulan kasi rin kaya mabagal ang galaw ng mga sasakyan.

kaninang umaga, gusmising ako ng maaga para sumimba. sinundo akong muli ng driver ng bandang 10, para siguradong hindi ako male-late sa misang 11am sa teresia. doon, nag-meet kami ng dalawang pinay na nakasama ko noong isang linggo. mataimtim ulit akong nagdasal at nagpasalamat sa maganda at pinagpalang linggong nagdaan. matapos ang misa, pinakilala nila ako sa grupo ng iba pang pinoy sa labas ng simbahan. mukang mababait naman sila lahat. hopefully next time, makasama ako sa kanilang lumabas.

matapos ang misa, dahil na-intriga ako sa sinasabi nilang mall ambassador, sinabi ko sa driver na dalhin ako sa nasabing mall. nang makababa ako dito, ang una kong napansin ay ang chowking!!! kaya dali-dali akong pumasok dito para kumain ng tanghalian dito – i just had chicken asado, chicken siomai (oo, wala silang pork or beef), rice (1 plus 1 extra – hahaha!) at coke (wala silang diet coke sa chowking?!). halos pareho din ang lasa, kaso lang mejo matabang sa alat kumpara sa nakagisnan ko sa maynila. matapos kumain, inikot ko na ang mall. una, nagpapalit ako ng pera, dolyar sa rupiah. isa pang trivia dito, tinitingnan nila ang serial number ng dolyar! pag bago ata, yung published rate ang gagamitin sa pagpalit (halimbawa ngayon, usd 1 = rph 9,000), pero pag mejo mas luma (tulad ng dala kong dollar bill), mas mababa ng konti (rph 8,950). so pagkapalit ko, feeling milyonaryo nanaman ako dahil ang naging laman ng wallet ko ay rph 1, 220,000, pero sa pinas, mahigit php 6,000 lang ang value nito! so matapos noon, nag-ikot na ako. kumpara sa mga naunang malls na napuntahan ko, pansin ko kaagad na pang-masa ito. pero, cool finds ang makikita mo! cheap gadgets ang unang atraksyon sa akin! ang nakita kong pinakamurang 7 megapixel digicam ay walong libong piso lang at ang nikon d40 slr camera ay halos php 19k! ang mga laptop ay ganun din – nakakita ako ng vaio at lenovo na maliit, around php 20k lang at ang mac air ay less than php 70k! well, hindi ako updated sa mga presyo sa pinas, pero sabi nila ay higit na mababa ito – kumpara din sa singapore kung saan mura din ang mga gadgets! mura din ang mga pabango – meron din sila ditong katulad nung tindahan sa lucky plaza sa singapore na testers at discounted sa regular perfumes! at finally, nakuha ko na na para itong makati cinema square dahil nagkalat ang pirated dvds! bumili ako ng ilan, kung ikukumpara sa mcs sa pinas, mas mura dito ng php 20 dahil kung sa atin ay php 50, dito ay php 30 lang! :)

pagkatapos nito, bumalik na ulit ako dito sa hotel. pahinga, blog, tv (default na ang star world or hbo sa tv set ko), basa ng libro ni joel osteen at yosi muna. maya-maya, maghahanda na akong muli para sa isang linggong trabaho.

yan ang naging second weekend ko dito. dahan-dahan, nakikita ko na ang pagbuka ng magiging buhay ko sa susunod na mahigit labing-isang buwan. at sabi nga ng pinsan ko, enjoy every moment of it and happy mindset lang palagi – kaya ngayon, that’s what i’m upholding. :)


kwentong ahensya 101

August 2, 2008

makaraan ang dalawang linggo, masasabi kong meron nang kahit papaanong worth-blogging kwento tungkol sa aking bagong trabaho at industriyang pinasok…

sa kasalukuyan, konektado ako sa isang advertising agency dito sa jakarta bilang client service director o csd kung tawagin ng iba sa industriyang ito. makaraang dumaan ang ilang oportunidad na makapagtrabaho sa labas ng pilipinas, ito ang aking napili, kahit noong una ay mas gusto ko ang makapasok sa ahensya sa departamento ng strategic planning dahil mas gamay ko ang trabahong yon since walong taon din ako na nasa brand marketing. wag na nating ungkatin kung bakit ito ang aking napili dahil baka sabihin nyong mukha akong pera (hahahaha! uhmmm, mejo totoo! nagiging praktikal lang! hahahaha!).

sa unang linggo ng aking pagpasok, na-meet kong muli ang board of directors na nag-interview sa akin dati (tatlo sila – isang amerikano, isang malaysian at isang lokal). also, nagkaroon ako ng briefing at city tour na inayos ng hr director – na kung tawagin ko ngayon ay “surrogate mom in jakarta”, napaka-motherly at accommodating nya. halos lahat ng kailangan ko para makapagsimula ng buhay dito ay tinulungan nya ko – sana lang, di siya nakukulitan sa akin! sa unang linggo ring iyon ay ipinakilalala na sa akin ang magiging team ko. binubuo sila ng pitong tao (pero kailangang dagdagan dahil kulang pa sila ng dalawa) – account directors, account managers at account executives. ang dalawang account directors ay mga nanay na, nasa edad 34-37, samantalang ang mga account managers at executives ang mga mas bata, 23-30. lahat sila ay lokal na indonesians. ang mga hinahandle naming kliyente ay isang multinational pharma, lokal na manufacturer ng gatas na pambata at pangbuntis, financial institution, kompanyang gumagawa ng iniinom na pang-enerhiya at lokal na yosi brand (clue: ung parang may cinnamon flavor na tila pumuputok-putok pag sinindihan!). nung simula, ramdam ko ang effort nilang lahat na mag-ingles. kaso ganun talaga, anong magagawa ko na hindi pa ko marunong ng bahasa!

laid back pa lang nung unang linggo – getting to know sa isa’t isa at sa mga kliyente. tanungan tungkol sa mga napuntahan ko na sa siyudad, mga pagkaing na-try ko at mga salitang lokal na alam ko. kwentuhan rin ng mga bagay na makikita sa pilipinas, ang buhay ko dati, at kung anu-ano pa. nagamit ko rin ang example ng favorite blogger ko na si batjay kapag tinatanong lagi nila ako ng: “so, you’re from the philippines? you speak very good english!” – sinagot ko minsan yung isa na pa-joke ng: “oh, i was raised in sweden!” bwahahaha! anong akala nila sa mga pinoy – mga ita na di marunong magsalita ng universal language?! :P

makaraan ang isang linggo, lumabas na ang totoo! background – sa panahong ito, planning season ng mga kliyente para sa strategies and plans for next year. at dahil jan, lahat sila ay manghihingi ng brand communication review at matapos nito ay kukulitin na kami kasama ang stratplan na gumawa ng communication plan for 2009. so dahil jan, no choice ako kundi aralin na ang negosyo ng mga kliyente at tingnan ang mga nakaraang brand reviews – sa tulong nito, magiging madali kong maiintindihan ang mga insights na maaring gamitin para sa susunod na taon. kaso, sa kasamaang palad, mejo may kababawan ang portion ng analysis at insights ng kanilang reviews! although alam ko na ito dati pa, pero nakakagulat lang na totoo pala talaga – mababa pa ang competency level ng ilang tao dito, hindi tulad sa maynila na masasabi kong di hamak na magagaling mag-isip, gumawa at magsalita ang mga tao! at nung nagtatanong na ako sa kanila para mas lubos kong maunawaan ang mga pangangailangan ng mga kliyente, tila sobrang babaw ng mga sagot na tipong “nice to know” at hindi “actionable” ang mga sinasabi! dahil jan, talagang kailangan kong dumepende sa sarili ko – aralin on my own at magpuyat gabi-gabi para lang lumalim ang kaalaman ko.

so eto na nga, pinagawa ko sila ang brand communication review sa mga specific brands na hinahawakan nila – nagbigay ako ng outline para madali nilang magawa. in fairness, kinaya nila ang mga portions na: business/communication objectives, communication strategy and tactics, action plans implemented at competitive review. kaso, ang mga portion ng brand learnings and topline recommendations for next year’s platform, lumabas na ang mga nakakatawang output – yun bang tipong, sasabihin mo sa sarili mong, “pucha, seryoso ba to?!” o di kaya naman, “s.h.i.t., sinasabi mong 7 years ka na sa advertising at ganito ang tipo ng output mo?!”. oh well, kaya para dumali ang trabaho – ako na ang gumawa! oo, alam kong mali kasi dapat ang role ko e mag-guide, mag-motivate, mag-inspire at magbigay lang ng inputs, kaso naman – time constraint! tatlong presentations ang gagawin, at di ko yata mate-take na ganung yung quality ng output! so, pinagpuytan ko na ang paggawa! pero sa susunod, hindi ko na gagawin to, dahil hindi talaga tama.

pero sa kabila nito, may mga pambawi naman sila. una, masisispag at kita mong nag-e-effort sila. may isang pagkakataon na umuwi ng ala una ng umaga yung ae dahil nag-gather sya ng data, at nag-apologize pa sya dahil mejo mabagal daw sya – kawawa naman, pero at least alam nya ang kanyang kakulangan. pangalawa, willing silang matutuo – sinabi nilang lahat sa akin na natutuwa sila sa pagdating ko dahil kita nila na handa raw akong tumulong at magturo ng kaalaman ko, di raw tulad ng iba na utos lang ng utos. sinabi rin nung isa na lubos syang matutuwa kung pati daw ingles nya ay i-cocorrect ko. ikatlo, assertive at proactive sila. may iba daw na deadma lang, pero sa kabutihang palad, ang mga nasa team ko ay may diskarte kahit papaano. although mejo makulit sa pagcoconsult para siguraduhing aligned at tama sa pananaw ko ang gagawin nila, ang maganda ay gumagawa sila nga paraan kahit di mo sabihin. siguro dahil upfront e sinabi ko sa kanilang result-oriented ako, wala akong pakialam kung pano mo ginawa, basta binigay mo ang expected output on-time and in-full. finally, supportive din sila. tinatanong nila kung may kailangan pa akong tulong at pinapakita nilang ginagawa nila ang lahat para ma-achieve ang kinakailangan.

kahapon ng gabi, natapos ang first round of presentations. dahil sa efforts ng lahat, kasama na rin ang dasal ko (nagnonovena pa ako kay saint jude at saint anthony para maging successful ang kalidad ng output ko, pati na rin ng buong team), naging matagumpay at natuwa ang mga kliyente sa kanilang nasaksihan! buti na lang! dahil dito, kinausap ko ang team at nagpasalamat sa kanila (o di ba, ang bait ko! hehehe!). pinhiwatig ko na sana ituloy namin ang magandang nasimulan at mas pagbutihan pa, lalu na sa mga bagay na kailanga pang i-improve. makaraan noon, sama-sama kaming kumain at dinala nila ako sa kung tawagin dito ay “warung”, para daw matikman ko ang tunay na jakarta, hindi yung buhay expat na artipisyal! ang “warung” ay parang karinderya o turo-turo sa atin. masarap naman at sanay naman ang sikmura ko sa mga pagkaing tipong ganun, so ok lang. nilibre ko na rin sila – at least, hindi ako namulubi dahil sa turo-turo ko lang sila nilibre, mabuti na rin! wahahaha! so pagdating ko sa hotel, napahiga na lang ako at nakatulog – siguro dahil sa pagod sa nakaraang linggo!

alam kong simula pa lang ito at mas marami pang darating na pagsubok, pero ang mahalaga ay tama ang mindset at approach ko. masaya naman kahit papaano. iniisip ko na lang din ang consolation na pagiging pampered at spoiled ko dito sa kabila ng matinding pagtatrabaho – sariling opisinang malaki at may pinto (dahil dati sa pinas, nasanay lang ako sa mga cubicles), may inumin sa table ko pagdating sa umaga araw-araw, may drayber, may magandang tirahan, in short – thought balloon na expat life rocks! pasalamat din ako sa diyos dahil alam ko na dinidinig nya lagi ang dasal ko na maging ok ang lahat – at so far, ok ang lahat!


napansin ko lang naman…

July 30, 2008

matapos ang walong araw dito sa jakarta, may mga bagay akong napansing sa palagay ko ay kakaiba sa aking nakagisnan sa pinas. ang iba ay nakakatawa, ang iba naman ay nakakagulat, samantalang ang iba ay maari mo na lang palampasin o huwag nang pansinin. at dahil ako yung tipong mahilig magmasid at mag-analisa (at pumuna na rin, sige na nga), ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga bagay-bagay na napansin ko lang naman…

1. tila ang mga pilipino lang talaga ang magagaling at matatas mag-ingles sa mga bansang asyano. dito, napakaraming hindi mo makausap ng matinong ingles, ang iba naman na nakakapagsalita ay madalas mali-mali ang grammar, usage, tenses, prepositions, etc. ilan sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod:

  • dear value customer…
  • for your convenient…
  • in order us to processing your laundry timely…
  • delaying process will might caused without the sign…
  • discuss on our concern to be putted on review…

2. default na walang kutsara at tinidor sa kfc o mcdo kapag ang inorder mo ay manok at kanin. oo, nagkakamay sila sa fastfood. sinubukan ko gumaya pero isang beses lang dahil na-feel ko na parang may mali! hahaha! pero astig, san ka na nakakita na nagkakamay sa fastfood sa pinas habang kanin at ulam ang kinakain.

3. nakagawian na pagkatapos mananghalian sa opisina, ang kasunod na gagawin ay magsipilyo ng ngipin. ganoon pa rin ang habit ko dito, pero parang ako lang yata ang gumagawa nito. oo, karamihan sa kanila (o baka naman di ko lang nakikita) ay hindi na nagsisipilyo pagkakain ng tanghalian.

4. in fairness, warm at accommodating sila – parang mga pinoy din. tapos kapag kinausap ka sa kanilang wika at sinabi mo sa ingles na di mo naiintindihan, parang amazed at excited pa silang lalo kang kausapin! mababait sila in general.

5. sa isang restawran na nakainan ko, magkaiba ang presyo ng coke na may yelo at coke na walang yelo! mas mura ang may yelo. well, sa palagay ko it makes sense kasi konti lang ang nakalagay na coke sa isang baso kung may yelo ito, di ba? at saka, hindi at sila mahilig sa malamig na inumin dahil bukod sa parang tap water ang temperatura ng tubig na ibinibigay sa mga restawran, madalas na wala pa itong yelong kasama, unless manghihingi ka.

6. astig ang stirrer ng starbucks dito. tulad sa pinas, green ito na plastic, pero dito, mas malambot. iyun pala kasi may butas ito sa magkabilang dulo at maari mo ring gamitin na straw! ang galing di ba, mag-straw ng mainit na inumin tulad ng kape?!

7. akala ko dati, mga pinoy na ang pinakamagagaling at pinakamadiskarteng magmaneho ng sasakyan. nagkamali ako – mas magagaling ang mga tao dito! maliliit ang mga kalsada nila (generally speaking), at yung tila pang isang lane lang sa pinas ay two way dito. kaya halos kadikit na ng mukha mo ang bintana ng kotseng nasa tabi mo! ang gagaling din nila sumingit sa trapik at ang konsepto ng space in-between vehicles ay halos ga-buhok sa nipis! nakakatakot sa simula pero masasanay ka rin. pero sa palagay ko, ibang kwento kapag ikaw na mismo ang nagmamaneho – sa totoo lang, parang di ko yata susubukang magmaneho dito – baka atakihin ako sa puso sa gitna ng daan!

8. sablay ang koneksyon ng internet dito. ewan ko ba, kahit saan ka yata pumunta e mabagal ang internet!

9. kung pagandahan ng mga magagandang malls, parang talo ata ang maynila. kahit nasa atin ang mall of asia na sinasabing pinakamalaki daw sa asya (tama ba?), di hamak na mas magaganda ang itsura, istruktura at dating ng mga malls dito. marami ring tindahan (karamihan, mga sosyal na brands) na wala pa sa pinas ang mayroon dito.

10. kakaiba ang mga pangalan ng mga tao dito. siguro dahil nasanay ako na western or spanish sounding ang mga ngalan sa pinas kaya nhihirapan akong alalahanin ang mga pangalan ng tao dito. pero ang mas nakakatawa, may mga pangalan ng tao dito na mga salitang tila bastos o may konotasyong berde sa atin, halimbawa ng mga pangalan na na-encounter ko so far – “titi” at “kiki”! oo, walang biro. napatawa nga ako sa isip ko nung pinakilala sa akin ang dalawang taong ito! isa pang nakakatawa e ang bahasa para sa salitang opisina ay “kantor” – kaya hindi ata maganda sa ating pandinig kapag sinabi natin sa drayber dito na, “let’s go kantor”! bwahahahaha!


of jollibee and wowowee…

July 18, 2008

the nice thing about knowing that you’ll be gone for a long time is the realization that you have to maximize the remaining days of your stay with the people that truly matter. over the last week (up to a few minutes ago), my social calendar became full – flying here and there to temporarily say goodbye to real friends and express the sincerest gratitude for making the word “friendship” defined and well-entrenched into my system.

to kickoff the despedida season, dinner with the monde group was arranged at larry’s, serendra (but we patronized the menu of abe so we could feast on pinoy dishes, which i would definitely miss!). what i love about this group is the fact that we all grew up together as we were starting to carve our careers in the corporate world. despite the moving-out which we all did (yes, ironic as it may sound, everyone’s out of monde already), the ties remained – a clear proof that the companionship was not meant to just be circumstantial. thanks guys for always being there (literally and figuratively), my life as a first-jobber would not have been fulfilling without all of you!

pau, jo, mira, vic, tons, me, franco

monde @ larry's, serendra: pau, jo, mira, vic, tons, me, franco

tons, me, franco

monde @ larry's serendra: tons, me, franco

jo, mira, vic

monde @ larry's, serendra: jo, mira, vic

next pit stop is at burgoo, rockwell for my jollibee team. the nice thing about this set is the fact that we never ran out of stories to share with each other (admittedly, some are juicy grapevine infos and gossips, hahaha!). thanks to sir joel for being the kindest, most supportive and most generous boss of all-time (salamat sa libre and flattering words when i used you as my character reference). thanks to a.j. for training me to be the right boss – i learned so much from mentoring you. thanks to kay for being the most reliable event organizer and for being my big sister (since i don’t have one), and to trixie for being there after several years of not seeing each other (congrats on the baby, you don’t look preggy though. hehehe!).

trixie, a.j., joel, me, kay

jollibee @ burgoo, rockwell: trixie, a.j., joel, me, kay

then, it’s shiela’s night. this honey and i also came a long way after meeting each other back in 2003. from just mere acquaintances, our relationship evolved into becoming a great confidante to each other (though there was something juicier in between which at this point is buried in the past already, hahaha!). i will miss our coffee updates, insightful conversations and witty hirits. above all, i’m sure you’ll miss me! :P by the way, thank you for the nice shirt – it fits me right and it fits my new industry!

effortless funny faces

effortless funny faces

"awwww, kawawa ka naman!", wahahaha!

shiela: "awwww, i'll miss you july!", joseph: "awwww, kawawa ka naman!", wahahaha!

one last hug...  (by the way, thanks to cityland's friendly manong guard for being our official photographer)

one last hug... (by the way, thanks to cityland's friendly manong guard for being our official photographer)

if there’s one thing that i cannot probably do on my own when i’m in jakarta already, it would be to do ktv! so, to my fellow frustrated singers – nons and aids, thanks for sharing this one last session. since my vocal chords will first hibernate, maghanda kayo pagbalik ko! hehehe! i’ll surely miss singing those 80s cheesy opm hits and the moments of agawan ng remote at mikropono.

one-man-audience josh, me, nons, aids

threesome @ center stage, makati: one-man-audience josh, me, nons, aids

nons, still not belting it out

nons, still not belting it out

aids in his i-dunno-what-to-sing moment

aids in his i-dunno-what-to-sing moment

finally, it’s the time for honeli/dlsu family. from nine (aids, bena, cris, j.a., laurence, mela, mitos, noel, nona), we are now down to five, and when i leave, there will just be the four of them left. :( time flies so fast – eleven years ago, majority of us were just naive college freshmen, today, we all have our own wide wings. the collection of long years together will definitely speak for itself – we’ve been there for each other for the best and the worst, the ups and the downs. thank you for being a part of who i am now and who i will become in the future, i owe so much from each of you (naks, senti talaga!). so to reminisce where it all started, we had our traditional dinner-with-waiters-singing-for-the-celebrant at tgif, glorietta…

bens, nons, cris, aids, me

5 out of 9 @ tgif, glorietta: bens, nons, cris, aids, me

with prayer partner cris and best bud aids

with prayer partner cris and best bud aids

with dreammate bens and bff nons

with dream mate bens and bff nons

then the waiters came in with a song and a scoop of ice cream

then the waiters came in with a song and a scoop of ice cream

in-between is the going away and i’ll-be-gone gift giving session…

thanks for the photo collage, nons

thanks for the photo collage, nons

thanks for the cookbook, bens

thanks for the cookbook, bens

thanks for the ofw storybook, cris

thanks for the ofw storybook, cris

thanks for the stress reliever, aids

thanks for the stress reliever, aids

sharing joel osteen's life-changing book

sharing joel osteen's life-changing book

and just before i hie off to laguna to spend quality time with family and relatives, there was this one last hurrah over coffee and pasta. maraming salamat talaga, i’ll bring these moments over to my next life phase!

aids, nons, me, bens, cris

@ coffee bean, ayala: aids, nons, me, bens, cris

bff

bff

whew! that was quite a long, wordy and busy week – but i would have to say, time very well spent. so, you are probably wondering what the connection of all these to the post’s title – simply put, just like jollibee and wowowee, bonding with great friends is an indulgence i’ll surely miss (pardon the mushiness, the occasion calls for it)!


let the fun begin!

July 14, 2008

after 28 years of existence, 8 years of working in the corporate world locally (i.e. here in manila), 1 year and a half of praying hard and holding on to what i define as “unyielding faith”, i will soon mark a new milestone that brings me closer to becoming the person that god wants me to be, and closer to living my newly created dreams and aspirations…  (pardon the big words and the melodramatic tone, let’s charge this to positive overdose of self-help and inspirational books!)

six days from now, i’ll be flying to indonesia for the seventh time – but for the first time, without a return ticket to manila.  just recently, i formally accepted an opportunity to be expatriated in jakarta to join the fun and crazy (offhand) advertising industry in my most visited place over the last year.  most of the people who knows me (that includes myself) are pleasantly surprised with this career move – after eight solid years of doing marketing management on the client side, who would have thought that i’d be on the other side of pole, not to mention that the post will be in a country that seems alien to me (relatively speaking).   call me a masochist, but this is what i am referring to now as a real positive “life defining pick” at its truest sense…

it all started with a couple of well-thought-out trigger points from god.  (1)  last year to early this year, my passport had been stamped with a manila departure mark eleven times – hong kong, usa, singapore, indonesia, malaysia.  it is thru these travels (combination of work and pleasure) that i realized how big this world really is, how grand the possibilities and opportunities can be and how interesting it is to meet new people, learn new cultures, and expand my horizon.   (2)  it came to a point when i realized the dryness of my career here.  don’t be misled, i’m so thankful and will forever be grateful for how my career turned out here, climbing the ladder from a key accounts specialist to a brand associate, to an asst. brand manager, to a brand manager, to a marketing manager and being able to teach in a university, definitely should never be considered a small feat (modesty aside), but it came to a point when the level of passion and drive went flat.  to positivize it, i realized that i successfully crossed the finish line already, that the mission is fully accomplished and that it is necessary to start anew with another project to be able to continue growing in a more holistic sense.  hence, the decision to move – which ultimately is god’s way to lead me to the direction that he wants me to take.

with the commencement of this new life is also a new inspiring mantra: “i used to be a big fish in a small pond; now, i am again a small fish, but this time in the biggest and deepest ocean.”


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.