na-realize ko lang, naramdaman ko ang pagiging busy at pagod sa trabaho ng mga nakaraang araw. lalo ko pa tong naramdaman ngayong binuksan ko tong blog ko at nakitang more than one week na kong di nakakasulat. parang dumaan lang ang nakaraang linggo, sa dami ng meetings at tasks, ang ginawa ko lang e gumising, maligo, pumasok sa opisina, mag-email, mag-meeting, mag-isip, pumunta sa kliyente, mag-meeting, mag-email, kumain ng lunch sa di tamang oras, umuwi, kumain ng delivered food for dinner, manood ng tv, magbasa at matulog. kapagod, pero ok ako – parte to ng bagong buhay na hinaharap ko, at ang mahalaga, ine-enjoy ko ang bawat sandali nito.
so para naman makabawi ako sa pagsusulat at mailabas ang mga bagay-bagay na naiisip ko, isa-isahin natin ang mga gunita at kwentong naranasan ko ng mga nakaraang araw…
buwan ng ramadhan at fasting: nagsimula noong september 1 ang fasting month dito. ibang klase nga, nakaka-bilib sila. imagine, pede lang sila kumain, uminom o magyosi between 6pm to 3am, outside of that period, walang pedeng intake – except kung may sakit, may period for women at may gamot na iniinom. so technically, sa mga oras na nasa opisina ang mga tao, between 9am to 6pm, wala silang pagkain o tubig man lang sa katawan. at di lang yan, bawal din sila magalit o magpahayag ng masasamang emosyon. astig di ba?! pero, eto ang catch – dahil nga sa wala silang pagkain, wala rin silang enerhiya, at dahil jan, kung mabagal sila to begin with, mas mabagal pa sila – bagsak ang level ng productivity! kaya kung mahina-hina ka, mejo mapipikon ka, kasi tipong lahat sila, tinatamad magtrabaho. na-experience ko na ma-cancel lahat ng meetings na pinaghandaan ko noong isang araw dahil kung hindi absent (dahil may sakit daw) yung ka-meeting ko, ang alibi naman ng iba e i-postpone na lang daw dahil sa kung anong kababawang dahilan. nakakatawa, pero parte ito ng kultura nila at dapat kong sakyan dahil wala akong magagawa at kung mapipikon ako, siguradong ako ang talo. so, dadaanin ko na lang sa ngiti at iisipin kong, oh well, at least mas may time ako sa ibang bagay sa trabaho.
ayam goreng kremes: ito ang bago kong paboritong pagkain. simple lang naman to – malutong na fried chicken na binudburan ng malutong na “something”, parang chicharon sa atin. kakaiba sya sa tipikal na pritong manok pero masarap. natututo na rin akong kumain ng may sambal. not bad naman actually, hinay-hinay lang sa anghang. yung picture sa baba nito ang example nitong bago kong paborito. kinuhaan ko to nung kumain ako sa senayan express, grand indonesia mall. pansinin din ang kanin, maarte ang shape! hahaha!

ayam goreng kremes ng senayan express
buti na lang walang traffic pag linggo: contrary to the usual crazy traffic jam on weekdays, iba ang sitwasyon kapag linggo. ang usual routine ko pagkasimba ng 11am sa st. therese church (eto lang kasi yung english mass pag linggo sa simabahang to na malapit sa kin), iikot na ko sa mg lugar kung saan may malls (senayan, sudirman, thamrin). buti na lang kahit di kami ganon naguusap ng driver ko dahil hindi talaga sya makapag-english ng derecho, e nagkakaintindihan kami sa mga lugar na pinupuntahan ko. interestingly, mapapansin mo talaga and difference kapag weekends, walang traffic at hindi ito ang usual jakarta scene. mapapansin mo na less ang mga motor (na kalimitan e 1/3 ng kalye ang occupied) at konti lang din ang mga kotse at limitado rin ang mga sumasakay sa busway (parang eto yung lrt or mrt natin, preo barok version kasi bus lang to na naka separate at may dedicated lane). bottomline, sana na lang e laging linggo ang traffic siuation dito – for sure, mas productive at efficient ang mga tao at mas gagaan pa ang sitwasyon – at malamang, di ko kailangan magtagal sa opisina para magtrabaho!

busway station on a sunday morning - you should see it on a weekday!

surprisingly light...

ang sentro

tipikal na tinitinda sa sidewalk - proof na maraming nagmomotor dito
prayer life: natapos ko na basahin ang pangalawang libro ni joel osteen. naging habit ko na tuwing umaga habang on the way sa opisina na magbasa ng isang chapter. kaso, natapos ko na nga noong isang linggo. nakaka-miss tuloy yung feeling na pagkabasa mo, sobrang gaan ng pakiramdam mo – yung tipo bang lalakas yung loob mo na harapin kahit ano at sobrang may tiwala ka sa kanya. pero, the nice thing about it is that mas humaba yung time ko na magdasal tuwing umaga at gabi. ito yung pagkakataon na nagpapatatag at nagi-inspire sa kin para i-pursue tong nasimulan ko, at so far, effective talaga – no doubt about it.
bakasyon from 27 sept to 03 oct: matapos ang dalawang buwan, babalik na agad ako sa pinas para sa halos isang linggong bakasyon. originally, uuwi talaga ako pero weekend lang para umattend ng wedding ng pinsan ko – part kasi ako ng entourage. but, sobrang sakto sa timing, end-of-ramadan yung week o kung tawagin e lebaran yung week na yun – since parang pasko sa kanila ang selebrasyon na to, 1 week na holiday! astig! so, nag-book na ko ng ticket pauwi – unfortunately, la na seats available sa sq or pal, so no choice – cebupac ako. pero ok lang din kasi at least straight flight at 12:30am yung departure, so tutulog lang talaga ko sa eroplano at paggising ko by 5:30am, nasa maynila na ko. exciting, so next next saturday, i’ll be back home! exciting!
nini at darmo: ito ang mga pangalan ng mga taong tumutulong sa kin dito para maging komportable ang buhay ko. si nini ang aking cleaning lady na pumupunta sa apartment tuwing sabado ng 11am para linisin ang kalat ko ng nakaraan linggo. mabait sya at masayahin, masipag at mabilis din magtrabaho. nakakatuwa pa kasi parang tipong anak na nya ko (since 24 na yung eldest na anak nya) kaya ramdam ko kahit paano yung genuine care nya, kahit sa page-ensure na malinis lahat ng sulok ng apartment ko. si darmo naman ang bagong driver ko, nag-expire na kasi yung contract nung nauna. contrary to nini na nakakusap ko ng ingles, si darmo e sobrang limitado ang english words na alam. pero ang ok dun, napipilitan akong mag-bahasa para magkaintindihan kami. marunong na ko magsalita sa bahasa ng – “bukas ng umaga, sunduin mo ko ng x’o clock”, “balik tayo sa opisina o sa apartment”, “salamat”, “walang anuman”, “ano to?”, “ano yun?”. while mejo antukin sya (may one time na sobrang tagal ko naghintay sa lobby ng mall dahil nakatulog sya sa carpark!), ok na rin, at least magaling sya sa pasikot-sikot dito at magaling din dumiskarte sa traffic.
eksenang weekend alone: kung mag-isa ako sa weekend, ang tipikal na kwento e mag-mall at magkape habang nagbabasa ng libro. ok lang naman, sanay na ako and i don’t mind, bago ko pasukin tong sitwasyon ko ngayon, alam kong parte to ng haharapin ko. what i do is just to enjoy every moment of it.

ang tipikal na eksena...

ang makati cinema square dito - lugar kung saan lahat ng pirated e pedeng mabili

isa sa mga high end malls

taste of home - chowking at ambassador mall
abangan natin kung may mga bagong blo-worthy stories soon. kahit papaano, natutuwa ako dahil matapos ang maraming araw na busy, na-realize ko na mkahit papaano, i can live life outside of the office. that’s a good & massive step already.