Kung nasa field ka ng Marketing, siguradong alam mo ang mga terminong “client side” at “agency side”.
Namulat ako sa industriyang pinasok ko na nasa client side. Walong mahahabang taon din yun. Ang nakakatawa dito, lagi sumasagi sa isip ko na “what if nasa agency side kaya ako?”. Dami kong dahilan kung bakit naiisip ko to – una, dahil parang mas madali ang trabaho nila, pangalawa, ang paborito kong bahagi ng marketing which is advertising and communications ang sentro ng tasks nila, ikatlo (at masasabi kong pinakamababaw sa lahat ng mga dahilan) e parang “cool” ang dating ng mga tao sa ahensya – parang ang saya nila palagi at tipong barkadahan ang samahan, di tulad mashado sa client side na sobrang seryoso ang mga tao (relatively speaking).
Matapos ang dalawang taon na nabigyan ako ng pagkakataon na maranasan ang lumipat sa agency side, ang dami kong realizations. Una, hindi mas madali ang trabaho nila, mas mahirap actually sa kontekstong mas maraming tasks na magrerequire ng time at physical involvement. Oo, nakakapressure talaga ang sales and profitability targets kung nasa client side ka, pero equally stressful din ang mga tight deadlines at mahabang to-do list na kailangan mong tapusin araw-araw para sa mga kliyente mo. Pangalawa, kung ang nakagisnan mo e ang ma-involve sa 4Ps or 5ps ng Marketing, mami-miss mo ang 3Ps or 4Ps kung ang hinahawakan mo lang e ang isang “P” (which is promotions). Lalu na kung control freak ka na tulad ko, yung kawalan mo ng impluwensya sa kabuuan ng mga plano para sa isang brand e nakakainis din minsan. Pangatlo, oo nga at generally “cool” ang mga ka-opisina mo, pero, “character” halos lahat – may good side sympre dahil masaya at tatawa ka ng tatawa pag kasama sila, pero may mga instances na maraming drama yung iba – minsan iisipin mo na lang na, ang hirap na nga ng trabaho, dadalihan ka pa ng arte, nakakapikon lang minsan!
Sa takbo ng mga sinasabi ko dito, it appears na parang nagsesentimiyento ako sa kasalukuyang kalagayan ko. Well, yes and no. ”Yes”, dahil nakakapagod talaga at minsan nararamdaman ko pa rin na hindi ako para dito. Pero, “no” dahil masaya ako na naranasan ko pareho at hindi lahat e nabibigyan ng ganitong pagkakataon. In addition, kung di siguro ako napunta sa kabilang side, di ko mae-experience ang lahat ng magagandang pinagdadaanan ko. Hence, di ko pagpapalit ang mga naranasan ko at dadanasin ko pa sa mga susunod na araw. Sabi nga nila, it’s a matter of managing your perspective and always having that positive mindset.
So, the difficult question comes in… Kung papapiliin ako, anong mas gusto ko? Siguro ngayon na nasa agency side ako, masasabi kong parang gusto kong bumalik sa pagiging kliyente. Pero sabi nga nila (at totoo rin to sa buhay ko), you only learn to appreciate what you’ve had once it is lost or it is human nature na ginugusto natin palagi ang mga bagay na wala sa atin. Sa huli, it is a matter of choice and it is based on our personal preference – walang tama o mali, walang nakakalamang o may kakulangan.
Simple lang, kung ikukumpara natin sa pagkain at pag-order sa isang fast food, you either go for a chicken meal or a burger meal – parehong masarap pero magkaiba ng lasa. At the end of the day, ikaw ang magdedesisyon kung ano ang pipiliin mo!
Posted by lifedefiningpicks 










































