matapos ang tatlong buwan at dalawang linggo, sinubok ang tatag ko sa sitwasyong pinasok ko – ang pangunahing aspeto kung bakit ako narito: ang magtrabaho sa isang advertising agency.
di na bago sa akin ang sinasabi nilang di pagkakasunduan at awayan sa loob ng ahensya, maaring dahil sa trabaho o sa kung anu-ano pang mga bagay. alam ko ito dahil na rin sa kwento ng mga taong nakasalamuha at nakatrabaho ko noon sa pinas. akala ko noon, exaggerated lang ang mga kwento dahil parang yung mga tipong napapanood mo lang sa tv o sine ang mga kwento nila, pero nagkamali ako, totoo pala lahat at ang nakakatawa pa dito, naranasan ko ang mapagitna dito!
noong nakaraang linggo, naghahanda kaming lahat para sa 2009 communications plan ng isang kliyente na may tatlong pangunahing brands. bilang csd, responsibilidad ko kasama ng mga account directors ang siguraduhing lahat ay gumagalaw para sa lahat ng kinakailangang output ay lumabas. dahil dito, sa mata ng mga tao sa creative, strategic planning at media department, para kaming mga pulis na naninigurado na sumusunod lahat sa batas. ang mahirap pa dito, hindi lahat ay cooperative – reklamo dito, reklamo doon! nakakapikon pero kailangan mong tibayan ang dibdib mo. tatlong araw, kinaya kong maging mabait at huwag kumibo, pero nung ika-apat na araw, di ko na kinaya at sumabog na lang ako. sa unang pagkakataon, nakipagbulyawan ako sa mga tao sa nabanggit kong departamento sa harap ng general manager at president director namin. dalawa kami ng account director ko na salimbayan sa pakikipag-away at pakikipagsigawan para ipaglaban ang kailangang gawin at tapusin ng mga pagod na ring mga tao ng ahenysa – pero di naman syempre namin pwedeng sabihin sa kliyente na pagod na ang lahat kaya hindi nagawa ang kailangang gawin. buti na lang, natapos ng mapayapa ang presentations – malayo ang mga ito sa pagiging perpekto, at kung ako ang kliyente, di ako ganoon ka-kuntento, pero ang importante, marami akong natutunan sa limang araw na nagdaan sa realidad ng bagong buhay ko sa adverstising agency, karamihan ay praktikal pero mas naintindihan ko nung naranasan ko mismo:
1. being mr. nice guy is applicable in building rapport, but not necessarily in making others follow your directions (professionally speaking) – matapos ang halos siyam na taong pagtatrabaho ko, naranasan ko na ang magiba-iba ng management style to get things done and to lead teams – maging mabait, maging kupal, daanin sa pagiging kaibigan, magpaawa, mag-bribe, mag-reward, manakot, at kung anu-ano pa. pero sa pagpunta ko dito, sinabi ko sa sarili ko na magiging mabuti akong tao sa lahat ng aspeto lalu na sa trabaho at pakikitungo sa iba, personal man o propesyonal, mr. nice guy kumbaga. umubra ito sa mga simpleng gawain at masarap ito sa pakiramdam, pero kung tipong dibdiban na, maaring hindi na ito mag-work. pangit mang pakinggan at hindi ko ito gustong gawin, pero tipong kung gipitan na at puro katangahan, reklamo at katamaran pa rin ang nangyayari, kailangan na ng dahas – masagasaan na ang masagasaan, pero kailangan maging matigas para makuha ang kailangang resulta.
2. intimidation is key for you not to be pushed around – isa pang nakakalungkot na realidad na nakita ko. palakasan ng boses, pataasan ng ihi, kanya-kanyang hugasan ng kamay at turuan kung sinong mali. at ang nakakapikon pa dito, ang mga pangunahing taong gumagawa nito ay yung mga nasa itaas, at halos lahat sila ay yung mga puti (hindi sa nagdi-discriminate ako) na ang tingin ata sa mga sarili nila ay regalo ng diyos sa mga asyano na kung tratuhin nila ay mga bobo at inutil – sa larangan ng trabaho. pero sa obserbasyon ko, magaling lang lumusot at mambola ang mga hinayupak, pero di naman talaga sila ka-galingan! so para mag-survive ka, kailangang tibayan mo ang dibdid at sikmura mo, lumaban ka sa kanila (magbaon ng maraming malalalim ding ingles na salita para mataptan mo kahit papaano ang statements nila kung wala kang twang), matuto kang mamutol ng statement at makipagsabayan sa pakikipagsigawan, at gawin ang lahat ng ito na poker face ka at di nagpapahalatang pikon na pikon ka na. projection lang ang labanan kumbaga.
3. in the middle of tough situations, the ”real” person comes out – ito ang nakapagpainit sa akin ngayong linggong ito. meron ba namang nung gipitan na ay lumabas ang pagka-ahas ng hinayupak! para maisalba ang sarili sa mahirap na sitwasyon, bumaliktad at nagtanga-tangahan kahit may napagkasunduan na. traydor ang putang ina! blessing in disguise na rin, ngayon, alam ko na kung sino ang mapagkakatiwalaan at hindi. at isa pa, mahirap palang magtiwala talaga – nasa gitna na ako ng mga taong may pinag-aralan ha, pero meron pala talagang mga taong gagawin ang kahit ano para lang di mapahamak sa mata ng iba.
4. as a leader, you need to empower your people – aminado ako, i’m still infected with the feeling-superman syndrome. yung tipong inaako ko ang mga trabahong pedeng gawin ng staff dahil na rin siguro sa takot na di nila magagawa ng maayos at tama, so might as well ako na lang ang gumawa para alam kong talagang magagawa. pero, mali talaga ito e, paano na lang sila matututo ng tamang trabaho at paano rin ako matututong mag-set ng tamang direksyon kung patuloy ko itong gagawin? yeah, next time, di na ako magma-micro manage at mas hahabaan ko pa ang pasensya ko para hayaang matuto ang mga taong katrabaho ko.
5. i have to accept it, i’m now a man and no longer a boy – maaring sa edad, medyo napaaga ako sa pagtanda sa trabaho, pero, ganun talaga, dapat kong tanggapin na pinasok ko ito at dapat ko na rin itong panindigan. at dahil din dyan mas matitinding challenges at pressures ang haharapin ko pa, dapat na lang tingnan ito ng positibo para na rin sa personal growth ko sa lahat ng aspeto.
buti na lang, bago magsimula ang lahat ng ito ay nag-over dose ako ng self-help books at patuloy akong nakikipag-usap sa diyos ko – isinuko ko na lang lahat at di pinabayaan na for these things to steal my joy.
sabi ko nga sa facebook status ko over the past few days, “joseph carries a thought balloon which says: don’t sweat it, there’s a bigger world outside work!”. at the end of the day, god will not measure me based on the amount of money i made from working, nor based on the designation that i reached, but on the basic intangible things that really matter. ito na lang ang pina-aalala ko sa sarili ko sa gitna ng lahat ng kaguluhang naranasan ko.
at sa wakas, friday night na ngayon – weekend na ulit, sa wakas, natapos na ang pinakamahaba kong linggo sa trabaho! sigurado, marami pang mga susunod na mahahabang linggo, pero ang importante, alam ko na kung paano gumalaw at ilagay ang sarili ko sa mga pagsubok na ganito – simply put, just always take the high road and you’ll never get lost nor go wrong!